Sir Rene,
Hindi man lang ako nakapagpasalamat at nakapagbigay parangal bago ka man lang pumaibabaw sa sansinukuban. Nagpapaumanhin ako dahil doon. Lalo akong humihingi ng paumanhin dahil ipinagpalit kita sa ilang mga bagay na kaya namang ipagpaliban sa ibang araw.
Marami na ang pagpupugay sa iyo at marahil manliliit ito sa ibang manunulat. Ngunit anuman ang siyang maging paghuhusga nito, mananatiling itong personal na testamento ko para sa iyo, sa mga sandaling kita’y nakatrabaho at nakasalamuha at sa panghabambuhay na naiwan mo sa akin.
Ikaw ang kasama ko sa araw-araw noong ako’y bata pa. Sa mga palabas mo, namulat ako kina Pong Pagong, Kiko Matsing at iba pang tauhang nagturo at nagpatawa sa akin.
Pagdating ng kolehiyo, ang mga dula mo ang siyang nagturo sa akin kung paano maging tao. Ang mga dulang pinanood ko, binasa ko at mga papel na ginampanan ko na sinulat mo ang siyang nagbigay kahulugan kung ano ang buhay.
Nang magbalik ako sa aking pagkabata sa pagkukuwento, ikaw ang aking parating itinatanghal. Ang mga mapangahas na temang pambatang-pangmatanda ang siyang nagbigay ng dahilan kung paano ko gugugulin ang buhay.
Ang mga sanaysay mo ang siyang nagtulak sa akin para sabihing ipagpatuloy ang paglikha ng sining, sa anumang paraan.
At sa kakaunting oras na ikaw ay aking nakasama, nakausap, at nahingan ng payo, ikaw ang siyang nagpaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng pagpapakatotoo sa sarili, bago sa iba.
Sa lahat ng ito, salamat. Kulang ang isang artikulo para ilarawan ang aking galak na ikaw ay aking nakilala.
Tuesday, December 11, 2007
Sunday, December 2, 2007
Pinunong Puno
Isa sa pinakapaborito kong konsepto ng pinuno ang ay paglalaro sa salitang ito. Ang salitang-ugat nito ay puno. Inaasahan sa bawat pinuno na siya ay maging puno at ang tungkulin niya ay punuin ang kanyang kapwang kulang.
Isipin ang isang baso. Malalagyan lamang ang baso ng sapat na tubig. Kapag sumobra, aapaw na lang nang aapaw ang tubig at masasayang. Kailangang isalin sa ibang baso ang tubig para hindi masayang.
Ganoon din sa pamumuno. Inaasahang isalin at punan ng isang pinuno ang kanyang kapwa. Tila umaapaw ang pinuno. Tungkulin niyang ibahagi ang kanyang sarili, ang kanyang umaapaw na sarili para sa iba na nagkukulang, ang ibang nagkukumahog na mapuno, ang ibang nauuhaw na mapuno.
Kung ang ibang puno, bakit uubusin ang umaapaw na sarili para punan ang ibang gayundin umaaapaw? Bakit sasayangin ang sarili sa ibang hindi naman kailangan nang pagpupuno? Samantalang marami naman ang nangangaiangan nang pagpuno.
At sa katapusan ng araw, kapag naubos, muling bumalik sa sarili at punuin ito. Hanapin ang posong magpupuno ng sarili. Huwag hayaang maubos. Muling magpapuno. Nang sa susunod na araw, matuklasan na ang sarili ay muling puno. Muling umaapaw. Handang ibahagi ang pag-aapaw na iyon sa kapwa.

Wednesday, November 14, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)