Monday, January 28, 2008

Aral sa Pagtuturo

Hindi ako naniniwala sa kasabihang may matutunan ako sa aking mga mag-aaral kahit na ako ang guro. Hindi ko nga alam kung natututo sila sa akin, puro kabastusan at pagtataray lang ang ginagawa ko sa loob ng silid-aralan. Hindi sa mayabang ako o kung anuman, hindi ko pa kasi nararanasan ito.

Nakatutuwang isipin na sa mga huling buwan ko sa pagtuturo, tsaka ko malalamang may katotohanan ang kasabihang iyon. At hindi pa sa loob ng paaralan ko matutunan ito mula sa aking mag-aaral.

Ang sabi niya, bakit pa raw siya magagalit sa isang tao ngayong papalapit na ang katapusan? Natigilan ako. Bahagi ako sa pagdarama ng hindi kaaya-aya sa ibang mga tao. Ngunit, bakit hindi ko lubos mabitiwan ang negatibong emosyon samantalang patapos na ang lahat? Bakit hindi ko na lamang palampasin ang mga nagawang pananakit ng tao at tumuloy na lamang sa landas na tinatahak.

Siguro, habang nalulunod sa mundong tila nais parati na may patunayan, naiiwan ang tunay na sariling marunong magpatawad, na marunong lumimot ng masamang alaala at tanawin ang kagandahan ng katotohanan.

Sa aking mga mag-aaral, nagkamali ako. Marami akong natutunan sa inyo araw-araw.

Ironic

Hindi ibig sabihin ng magkasama, kasama nga.

At iyon ang pinakamasakit na pakiramdam sa lahat.

Unang Luha

Umaga. Mainit. Mausok. Trapik. Maingay na musika. Bumubusinang dyip. Nakangiting bata. Nakakunot na mama. Usok ng sigarilyong galing sa pulis. Pawis ng kargador. Inaantok na ale. Ang bilis ng galaw ng mundo.

Biglang nangailangan ng tisyu.

Ikaw kasi.

Thursday, January 24, 2008

Napipiping Sigaw

Puwede bang sumigaw nang napakalas? Pero, iyong walang makaririnig. Kasi batay sa mundo ngayon, bawal na ang madrama.

Thursday, January 17, 2008

Rant Mode

I really have issues with selfishness and insensitivity.

O well, pagod lang siguro. As if hindi na ako nasanay.

Thursday, January 10, 2008

Di Ako Makatulog

Pagod na ang diwa, ngunit gising pa ang katawan.

Friday, January 4, 2008

3 Araw Na

Paano ko ba sasagutin ang mga tanong kung okay na ako na ayaw kong mag-alala ang mga kaibigan?

Hindi pa eh. At mukhang matatagalan bago ako makabangon. Naghahanap ako ng pinakatamang analohiya, siguro ang pagkawala ng kalahati ng kaluluwa? Pangit. Haha.

Hindi ko alam. Ayokong mag-isip, ni ayokong isipin kung ano ang nararamdaman ko.

On a lighter note, you surprise me. Everyday.