Ngayong Semana Santa, sinisikap kong kausapin si Jess. Tuwing ganitong panahon, nasa ibang lugar ako na malayo sa aking pamilya para mahanap Siya. Mas kumportable ang ganoong sitwasyon dahil makapag-iisa ako, nakaayos ang pupuntahan ko sa isang kapaligirang maaring makapagdasal.
Ngunit ngayon, pinili ko na manatili sa bahay, makasama ang aking pamilya na matagal ko nang hindi nagagawa dahil abala ako sa ibang bagay. Mas mahirap na kausapin at hanapan nang oras ang pagsasarili.
Kaya sa bawat panahong nakapag-iisa, isinisingit ko ang gawaing iyon. Oo, mali iyon dahil kailangang hanapan talaga ng oras. Ngunit, nagsusulat ako ngayon bilang pagbabahagi at hindi bilang pagdedepensa ng aking mga desisyon.
Isa sa mga nagustuhan kong konsepto ng pamimilosopiya ay nang mabanggit ni Levinas ang pagkamangha sa pagkakakita sa mukha ng kapwa. Mapapatigil ang isang tao at makikita ang tunay na pag-iral niya sa pagtatanto niya sa mukha ng kapwa. Dahil sa mukha ng kapwa, makikita ang pagkahubad nito, at matutuklasan ang sariling pag-iral sa paggunita ng sariling pagkahubad at pagkatao.
Ito ngayon ang motif ng aking pagninilay. Hanapin ang Diyos sa mukha ng kapwa. Babasahin ko nga ang Ethics and Infinity ni Levinas ngayong buwan para sa aking pagninilay. Madadagdagan pa ang aking pagninilay sa mga susunod na araw.
Tuesday, March 18, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)