Saturday, March 7, 2009

Sa Iyong Kaarawan

Sa gabing ito, nais kong pagmasdan ang buwan,
Titigan ang liwanag na pumapaimbulog mula sa kadiliman.

Nais kong mangarap.
Na gaya ng buwan,
Balutin ng aking pag-ibig,
Ang lahat ng iyong agam-agam.

No comments: