Saturday, July 25, 2009

paano ba.

paano ba.
maipaparamdam
ang pag-ibig
ko.
sa iyo

maging sapat ba.
ang pagbigkas ng iyong pangalan
ang pagdantay ng labi sa iyong pisngi
ang paghawak sa kamay sa paglubog ng araw

ang tumula’t manalinghaga
tungkol sa bulaklak at alaala
ang mag-alay ng uyayi
nang mapawi ang luha

sa pagdating ng takipsilim
bibilangin ko ang lahat ng tala
hahanapin ko ang pinakamalaya
nang ang puso ko.
iaalay.
sa iyo.

No comments: