Tuesday, September 1, 2009

edukadong burgis 1
boomenriquez


bagyong jolina
signal 3 sa kamaynilaan
nagsasayawan ang billboard ng anghel at darna
nadadasal na huwag mahulog kay sta. clara

putputan nang putputan
patay-bukas ang ilaw ng mga sasakyan
si manong asul
huthutan pa rin nang huthutan

si kuya baktong
naka-paa
naka-cool air
(iyong sandong butas-butas)
basa sa grasa
at polluted water (tonong kolehiyala)
baka may leptospirosis pa

tumatakbong may basahan
pinunasan
ang windshield
ang bintana
ng drayber
ng passenger seat
sa likod
ng mga nasa passenger seat sa likod

kumatok si kuya baktong
kay edukadong burgis
na himas-himas ang kanyang kambyo

kumatok pabalik
si edukadong burgis
tuyong-tuyo ang labi
at sabi
‘di ko naman siya matutulungan
ipang-iinom lang ang Aking barya
o ipantataya sa lotto’

isa -
- ndaang milyon na ang jackpot.

‘sa mga institusyon na lang ako tutulong
siguradong mapupunta sa tama ang aking barya.’
sabay lamas sa suso ng nasa passenger seat
at humarurot papuntang motmot sa kalentong.

pagdating
ni kuya baktong
sa kubo-kubo sa gilid
hinihimas ng ina ang anak
nilalamas,
baka buhay pa

kinuha ni kuya ang bata
at tinapon sa ilog
kasama ang basahang
walang kinita
kahit barya.

080309

No comments: